MASARAP NA KASALANAN (Ikaapat na labas)

“IPAGDARASAL ko ‘yan, Matias. . . Ipagdarasal ko “yan!”  Wika ni Sammy na nagsimulang maglakad patungo sa lugar na pinagmulan ni Matias na pakendeng-kendeng at kumekembot-kembot ang balakang.

“Loko talaga ang bading na ito. . .” Pabulong at natatawang wika ni Matias na inihatid ng tanaw ang papalayong kaibigan. “Ipagdarasal pang hindi maging maganda ang pagtatrabaho ko matupad lamang ang gus-tong magtrabaho ako sa kanilang gay bar.”

At matapos ang saglit na paglingon sa kaibigang bading, ipinagpatuloy ni Matias ang paglalakad patungo sa pupuntahang kalsadang daanan ng mga pampasaherong jeepney na sasakyan niya patungo sa subdivision nina Mrs. Manyol.

Hindi naman siya nainip sa paghihintay dahil ilang minuto pa lamang siyang nakatindig sa gilid ng kalsada may dumating na, hindi lang isa kung hindi tatlo.

Hindi siya sumakay sa unang jeepney dahil punong-puno na ito at hindi niya kayang sumabit dahil sa dalawang bag na sakbit at bitbit.

Pinalagpas din niya ang ikalawang pampasaherong jeepney dahil bukod sa puno may ilan pang nakasabit.

Sa ikatatlong pampasaherong jeepney siya sumakay dahil tiyempong bumaba ang isa sa dalawang pasaherong nakaupo sa unahan katabi ng drayber.

Dahil hindi naman kalakihan ang kanyang dalawang bag na dala, nagkasya itong kalungin niya habang nakaupo.

“Sisipagan ko at pagbubutihin ang pagtatrabaho kina Mrs. Manyol.” Wika ni Matias habang lulan ng pampasaherong jeepney na tuloy-tuloy binagtas ang kalsada patungo sa lugar niyang pupuntahan.

“Mahirap maghanap ng trabaho sa Metro Manila ang tulad kong high school graduate lamang!”

Dahil hinihintay na sa malaking bahay at bakuran na pagtatrabahuhan ang kanyang pagdating, agad bumukas ang maliit na gate na bahagi ng malaking gate na bakal ng diinan ni Matias ang doorbell. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply