MASARAP NA KASALANAN (Ikalawang Labas)

“SALAMAT ho. . . Hindi ninyo pinigilan ang hangaring kong makapag-abroad sa halip, sinuportahan pa!” Sagot ni Mang Gardo na damang-dama sa tinig ang malaking kaligayahan.

“Sige, turuan mo na siya ng mga gagawin para hindi ka na pumasok bukas. Para masimulan mo na ang paghahanda sa  iyong pagpunta sa Saudi Arabia!” Utos ni Mrs. Manyol.

At sa mga sumunod na sandali, iniikot ni Mang Gardo sa loob ng malawak na bakuran ang papalit sa kaniyang hardinero at itinuro ang mga dapat gawin. Puspusan namang pinag-aralan at tinandaan ni Matias ang mga gagawin at tungkuling gagampanan sa malaking bahay at malawak na bakurang pagtatrabahuhan.

Matapos ang pag-iikot sa malawak na bakuran, sinamahan naman ni Mang Gardo ang binata sa munting bahay sa loob ng bakuran na titirhan nito.

Bagama’t maliit ang tirahan, natuwa na rin ang binata dahil kumpleto ito sa mga pangunahing bagay tulad ng munting telebisyon at transistor radio na magsisilbing libangan matapos ang trabaho o habang nagpapahinga.

Magkasabay din silang umuwi upang kumuha ng mga damit at mga personal na gamit si Matias samantalang hindi na babalik si Mang Gardo sa trabaho dahil aasikasuhin na nito ang pag-a-abroad.

“May mahalaga lamang akong ibibilin sa iyo upang magtagal ka sa trabaho sa bahay nina Mrs. Manyol!” Wika ni Mang Gardo ng maihanda ni Matias ang mga damit at iba pang personal na gamit at handa ng bumalik sa bahay na pagtatrabahuhan.

“Ano ho ‘yon, Mang Gardo?” Interesadong tanong ni Matias bilang bahagi ng pagnanais niyang magtagal sa trabahong papasukan.

“Huwag kang maging tsismoso sa mga bagay na mapupuna mo at malalaman sa bahay nina Mrs. Manyol. Hindi ko na ipaliliwanag sa iyo ang ibig kong sabihin dahil tiyak kong abot ito ng iyong isipan at pang-unawa!”

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply