MASARAP NA KASALANAN (Ikatatlong labas)

“OHO!” Sagot ni Matias. “Sige, papasok na ako!”

At sakbit at bitbit ang dalawang bag na naglalaman ng mga damit at mga personal na gamit, binagtas ni Matias ang kalye patungo sa kalsa-dang daanan ng mga pampasaherong dyip.

Nasa looban ang bahay ng kaniyang nakatatandang kapatid na nakati-rik sa isang malaking loteng balita niya, pag-aari ng gobyerno na pinasok at inokupa ng mga iskuwater.

Ngunit kahit hindi sa-rili ang lote, pilit pinaganda ng kaniyang bayaw ang bahay sa paniniwalang darating ang araw, ang hindi sariling lupa magiging pag-aari.

Isang kalakaran na pa-tuloy na pinaniniwalaan at ipinaglalaban ng mga iskuwater o informal settler sa maraming panig ng Met-ro Manila.

Natigil siya sa paglalakad ng masalubong ang isang bading na niyayakag siyang magtrabaho sa gay bar bilang macho dancer.

Hindi naman ito nakakapagtaka dahil bukod sa guwapo, may magandang pangangatawan, mataas, malakas ang sex appeal ni Matias.

“Saan ka pupunta, Ma-tias?” Tanong ng bading na si Sammy.

“Sa trabaho!” Sagot ni Matias na binigyan ng     ilang sandali ang gagawing pakikipag-usap sa bading na isa sa kanyang naging kaibigan sa lugar na tinirahan.

“Nakakuha ka na ng trabaho?” Tanong pa ni Sammy na may himig kalung-kutan. “Anong trabaho?”

“Hardinero na stay-in sa pagtatrabahuhang bahay at bakuran!” Sagot ni Matias na may himig namang pagmamalaki sa trabahong nakuha.

“Okey na ito kahit hindi kalakihan ang suweldo!”

“Naku, kung pumasok kang macho dancer sa gay bar namin, kikita ka ng malaki o baka yumaman ka pa.” Mataray na wika ni Sammy na pinindot-pindot ang masel sa braso ng kausap. “Dahil, tiyak na pagkakaguluhan ka ng mga bading at matronang suki namin!”

“Hindi ko pa feel ang ganoong trabaho, sorry.” Sagot ni Matias.

“Hayaan mo kapag tang-gap ko na ang kalakaran sa ganoong trabaho, kakalabitin kita!”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply