MASARAP NA KASALANAN (Ikawalong labas)

NA karamihan walang hilig sa masinop at malinis na pamamahay.

Pangkaraniwan na sa mga lalaki ang burara at hindi masinop kaya hindi na niya pinagtakhan ang sitwasyon ng servant quarter.

Hindi na siya nagpahinga, agad niyang inasikaso ang paglilinis sa munting tirahan habang nagtatrabaho sa pamilya Manyol.

Hindi siya natulad sa ibang maraming lalaki dahil mahilig siya sa malinis at masinop na tirahan.

Natawa na lamang siya ng makita ang isang magasin na naglalaman ng mga pahinang may kuwentong kalibugan at kahalayan gayundin ng la-rawan ng mga hubo’t hubad na babae.

“May lihim pa palang hilig sa kamunduhan si Mang Gardo. . .” Natatawang wika ni Matias habang inaayos ang pahina ng bold magasin.

“Hindi ito nakapagtataka dahil hindi naman nagmemenopos ang lalaki!”

Hustong nakakatapos siya sa paglilinis, natanaw niya ang pagdating ng katulong na si Helen na may dalang tray na naglalaman ng meryenda.

Hindi naiwasan ni Matias na bumilis ang tibok ng puso dahil nakita ang dalagang sa una pa lamang   masilayan ang kagandahan at kaseksihan, lihim na niyang sinamba.

Nagmamadali siyang nagsuot ng t-shirt na kanyang hinubad upang mabawasan ang alinsangan habang nagpapahinga.

Nagmamadali rin niyang tiningnan ang mukha sa munting salaming isinabit ni Mang Gardo sa tagong bahagi ng dingding ng servants quarter.

Gusto niyang maging presentable sa dalagang nagpapabilis ng tibok ng pusong tiyak niya ang dahilan, iniibig niya ang dalagang katulong.

Na batid niyang sa mga darating na panahon pag-uukulan niya ng mahalagang panahon.

At sa kaniyang pagtaya sa umaaliping damdamin susundin niya ang tibok at bulong pusong nagmamahal kahit hindi pa niya lubusang kilala ang pagkatao. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply