MASARAP NA KASALANAN (Unang Labas)

KABILANG si Matias sa maraming istambay sa kanilang lugar.

Wala siyang balak palipasin ang oras sa ganitong paraan ngunit hindi niya naiwasan dahil wala kaagad siyang napasukang trabaho dahil bukod sa probinsyano, high school lamang ang natapos.

Lumuwas siya sa Metro Manila upang maghanap ng trabaho at nakitira sa nakatatandang kapatid na babae na nagtatrabaho sa abroad ang asawa.

Alam niyang hindi siya puwedeng manatiling walang trabaho kung kaya’t tinanggap niya ang inialok na trabaho ni Mang Gardo, kanilang kapitbahay, na pumalit sa trabaho nito bilang hardinero sa isang mayamang pamilya.

Ngunit ng makausap niya ang may-ari ng malaking bahay at malawak na bakurang si Mrs. Clarissa Manyol, sinabi nitong hindi lang pagiging hardinero ang kaniyang magiging trabaho.

Magkukumpuni rin siya ng iba’t ibang bagay na masisira sa malaking bahay at bakod ng bakuran. Ngunit kahit may karagdagang trabaho, tinanggap pa rin ni Matias ang trabaho dahil marunong siyang magkarpintero at magkuting-ting ng iba’t ibang bagay na labis na ikinatuwa ni Mrs. Manyol.

Sa katunayan nga, minsan siyang nagtrabaho bilang ekstrang piyon sa construction ng mayayaman ng isang bagong kakilala sa lugar nina Mang Gardo.

“Okay ang inirekomenda mong kapalit Mang Gardo. . .” Nasisiyahang wika ni Mrs. Manyol habang tinatapik-tapik sa balikat ang binata. “Jack of all trade!”

“Sabi ko naman sa inyong tulad ko ang irerekomenda kong kapalit sa trabaho Mrs. Manyol!” Sagot ng hardinerong nakatakdang magtrabaho sa ibang bansa dahil natanggap sa pinag-aplayang recruitment agency.

“Kailan ho siya mag-uumpisa?” Tanong ni Mang Gardo.

“Ngayon na!” Sagot ni Mrs. Manyol.

“Hindi ba gusto mo nang magbakasyon upang mapaghandaan ang iyong pag-aabroad!”  Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply