Masbate, kanlurang Mindanao apektado pa rin ng red tide

APEKTADO pa rin ng red tide ang shellfish sa baybayin ng Masbate at kanlurang bahagi ng Mindanao.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nananatili pa rin ang presensiya ng red tide sa Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Occidental, pati na ang baybayin ng Milagros sa Masbate.

Dahil dito, nagbabala ang BFAR sa pubkliko na iwasan munang bumili ng mga tahong o lahat ng uri ng shellfish, maging ng alamang sa mga nasabing lugar para maiwasan ang pagkalason.

Paglilinaw naman ng ahensya, ligtas kainin ang iba pang lamang dagat tulad ng isda, pusit at alimango na hindi apektado ng red tide.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply