Mass defection ng MILF sa MNLF, itinanggi

TAHASANG itinanggi kahapon ni dating Moro Islamic Liberation Front (MILF) Spokesman Eid Kabalu na nagkaroon ng mass defection sa hanay ng MILF at lumilipat  ang kanilang mga miyembro sa Moro National Liberation Front (MNLF) kaugnay sa nilagdaang Bangsamoro framework agreement sa Malacanang.

Ito ay ay sa likod ng inilabas na pahayag ni dating MNLF at founding chairman Nur Missuari na umabot na umano sa 17,000 fighters ang kumalas sa MILF at lumipat sa kanilang hanay.

Kabilang umano rito ang isang Security Commander sa Camp Darapanan bitbit ang dalawang batalyon na tauhan nito.

Sa binigay na pahayag ni Kabalu, sinalungat nito ang pahayag ni Nur Misuari na aabot sa 17,000 miyembro ang umalis na sa MILF dahil ayaw nila sa isa sa mga probisyon sa  Bangsamoro na idekomisyon ang kanilang mga baril.

Ayon kay Missuri hindi papayag ang mga MILF fighters na isuko ang kani-kanilang mga armas.

“”Majority of the commander of this 17,000 right now are in Manila. They are in Traders Hotel. You can ask them if there is truth about this information,” sabi ni Kabalu sa isang radio at tv interview.

Samantala, tiwala naman ang Armed Forces of the Philippine na magiging matagumpay ang isinusulong na pangmatagalang kapayapaan sa Mindnaao kasunod ng nilagdaan framework agreement sa Malacanang na dinaluhan ni MILF Vice Chairman for Political Affair Al had Murrad Ibrahim at sinasaksihan mismo ni Malaysian Premier Najib Bin Tun Abdul Razak na nagsilbing broker o third party sa nasabing peace negotiation.

Ayon kay AFP Spokesman Col Arnulfo Marcelo Burgos kung sino man ang may mas gusto ng kapayapaan ay ang kasundaluhan.

“The AFP shares the same suffering, misery and misfortune that our people feel every time armed conflicts arise. This is why the AFP longs for peace more than any other group because it is our soldiers who continue to risk their lives as first responders to armed conflicts and violence,” ani Burgos.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply