Mass lay-off sa DAR, nakaamba

NANGANGAMBA ang mga empleyado ng Department of Agrarian Reform (DAR) na magkaroon ng malawakang sibakan sa kanilang hanay dahil sa umano’y plano ng administrasyon Aquino na gayahin ang contractualization schemes ng pribadong sektor at mababang pasahod at gawing malawakan para sa pampublikong sektor ng paggawa.

Ayon sa pamunuan ng DAREA, ito ang kanilang nararamdaman dahil sa kabila na tuluyang ibinasura ng Kongreso ang panukala ni DAR Sec. Virgilio De los Reyes hinggil sa pagsasama ng probisyon ng item No. 5  noong budget hearing ay patuloy pa rin itong iginigiit ng Kalihim .

Ayon sa grupo, kasabwat umano ni Delos Reyes ang DBM sa nakaambang pagsibak sa may 5,600 na empleyado ng DAR ngayong Oktubre ng taong kasalukuyan at karagdagang 3,000 pang mga empleyado sa 2013 at tuluyang mawalis ang kabuuang mga empleyado ng DAR sa 2014 at mapalitan ng mas mga nakababatang empleyado.

Dahil dito, iginiit ng DAREA na tuloy ang kanilang laban para patalsikin sa puwesto si Delos Reyes dahil hindi na ito naging epektibo sa kagawaran at kontra karapatan ng mga manggagawa na kasama sa probisyon ng E.O. 77 ni Pangulong Aquino na kahalintulad lamang umano ng rationalization program noon ni dating Pangulong Arroyo.

Suportado ng Confederation for Unity Recognition and Advancement of Governmet Employees at mga magsasaka ang naging hakbang ng DAREA.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply