Matandang binata binasted, nagbigti sa haybol ng nililigawan

SA MISMONG bahay ng nililigawan nagbigti ang isang matandang binata matapos na bastedin ng biyudang sinusuyo nito sa Naga City, Lunes ng umaga.

Kaya naman nang umuwi ang may-ari ng bahay na si Susan Isham, 43-anyos, na-shock ito nang makitang nakabitin ang katawan ng biktimang si Jose Villa, 53-anyos sa beranda ng bahay nito.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, natuklasan ang insidente ganap na alas-10:30 ng umaga sa bahay ni Isham sa San Felipe, Naga City.

Ayon kay Barangay Councilor Teresita Orate, nililigawan ni Villa ang 50-anyos na nanay ni Susan kaya palagi itong nagpupunta sa bahay ng mag-ina.

Pero kaninang pasado alas-8:00 ng umaga, ay sinabihan ng biyuda ang biktima na wala siyang maaasahan at pinagbawalan na rin itong pumunta sa bahay ng nililigawa. Pagkatapos nito ay sabay na umalis ang mag-ina at iniwan ang biktima sa beranda ngunit pagbalik ay laking gulat na nagpatiwakal ang biktima sa kanilang bahay.

Paniwala naman ng awtoridad, na dinamdam ng biktima ang sinabi ng biyuda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply