Matandang dalaga, natagpuang patay

PATAY na ng matagpuan ang isang matandang dalaga dahil  sa  kanyang sakit sa baga sa  Quezon City kagabi Oktubre 28,2012.

Kinilala ang biktima na si Cecille Ofilas,50, dalaga, walang trabaho ng  Livelihood Ext. Area – C, Talanay, Batasan Hill, QC.

Si Ofilas ay natagpuan ng kanyang ka-board mates na sina Reynaldo Inot at Marife Perez na wala ng buhay habang nakahiga sa kama ng kanyang inuupahang kuwarto sa nasabing lugar.

Ayon kay SPO4  Peter Wala Wala ng Quezon City Police District  station 6 Batasan natagpuan ang bangkay ng biktima dakong 8:00 ng kagabi sa kanyang inuupahansa Livelihood Ext. Area C Talanay, Batasan, QC.

Nabatid sa ulat na nagkasakit umano si Ofilas sa baga dahil malakas itong manigarilyo.

Ayon naman sa ilang kaanak ng biktima dahil chain smoker ang biktima ay tinamaan ito  ng sakit sa baga .

Isinailalim na sa awtopsiya ang bangkay ng biktima para mabatid kung may foul play sa pagkamatay
nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply