Matuwid na daan ng politika sa Masbate

“VERY encouraging ang suportang natatanggap ko mula sa taumbayan.”  ‘Yan, parekoy, ang tinuran ni Fr. Leo Casas, isang pari na opisyal nang inendorso ng Liberal Party bilang kandidatong Gobernador sa Masbate.

Ang hindi alam ni Fr. Casas, siya ang “encouragement” ng Diyos para maniwala ang aking mga kababayan na may tsansa pang mabago ang napakaruming takbo ng pulitika sa Masbate!

Ang poder sa lalawigan kong mahal, parekoy, ay matagal na panahong nagpalipat-lipat at nagpapalit-palit sa kamay ng mga demonyong walang pakundangan kung magpapatay ng kanilang kapwa dahil mga sakim sa poder!

Ang ibang mga biktima ay hindi na nakita…wala lang! Ang iba ay may mga suspek na kinasuhan…wala rin!

Espinosa, Fernandez, Kho at Lanete…sino sa kanila ang tatanggi na walang dugo ang kanilang mga kamay sa pamumulitika sa Masbate?

Sa darating na election, muli na namang magtutunggali ang Kho at Lanete. Tsk, tsk, tsk! Matanong ko lang kayo, parekoy, ano kaya ang porma sa loob ng ruweda kung maglalaban sina Lucifer at si Satanas?

Weeeh, sila rin yun! Hak,  hak! Para tayong pinapipili.

Away o gulo? Away na lang para walang gulo! O kaya gulo na lang para walang away!

Tangna, ayaw kong pumili!

Mabalik tayo sa topic, gaya ng mga matitino at karaniwang Masbateño na nagmamahal sa kaayusan at nangangarap ng isang matahimik na lalawigan ng Masbate… ako man ay na-encouraged dito sa bagong mukha ng pulitika sa aking si-nilangang bayan.

Dahil ang isang alagad ng simbahan na si Fr. Leo Casas ay pumayag na kumandidato.

Bagong pag-asa at bagong tsansa para sa Masbateño! Naniniwala ako na hindi ang LP ang kumumbinse kay Fr. Casas para kumandidato.

Ang kanyang tunay na Amo dahil naaawa na Siya sa mga Masbateño. Ang Diyos na kanyang pinagsisilbihan!!! Amen!

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking programang  “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 5-6pm). Para sa inyong reaction: 0909-8992775.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply