Maulang maghapon, asahan sa Metro Manila

MAKARARANAS ng maulang panahon ang Metro Manila sa buong maghapon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, ito’y dahil sa epekto pa rin ng bagyong Ofel na kasalukuyang nasa 90 kilometro silangan ng Tandag, Surigao del Sur.

Sa ngayon, ay nakataas pa rin ang babala ng bagyo bilang isa sa Metro Manila kaya payo ng PAGASA, magdala pa rin ng mga panangga sa ulan lalo na ang mga estudyante na pumapasok sa kani-kanilang paaralan.

Ang agwat ng temperatura ay inaasahang maglalaro mula 24 hanggang 31 antas ng celcius.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply