Maulap na papawirin, mararanasan sa Metro Manila

MAKARARANAS ng mahinang pag-ulan ang Cagayan Valley, Kabikulan at mga probinsya ng Aurora at Quezon habang ang silangang kabisayaan at buong Mindanao ay magiging maulap na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan o pagkidlat  at pagkulog.

Samantalang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) makararanas pa rin ng bahagyang pagulan ang metro manila pero mananatili ang magandang panahon sa bansa.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply