Maureen Larrazabal, gusto ang Catholic Church wedding

BLOOMING talaga itong si Maureen Larrazabal ngayon dahil ikakasal na sa kanyang longtime boyfriend for seven years na pinangalanan lang ni Maureen na si Raymund. Halos magkasing-edad lang sila at parehong nasa late 20s.

Nang nakausap namin si Maureen sa detail ng kanyang kasal sa taping ng Bubble Gang last Monday, wala siyang ma -sabi kung hindi isa itong Catholic Church wedding. Bale ito ang matagal na niyang pangarap buhat nang siya’y magdalaga at ma-in love sa lalaking itinatangi niya na hahantong sa kasalan.

Sa pagkukuwento ni Maureen sa kanyang nalalapit na kasal na wala pang date o ayaw lang i-reveal ng aktres, tingin namin sa kanya ay in love na in love siya kay Raymund dahil nangungusap lagi ang kanyang mga mata.

Anyway, sa Friday na mapanonood ang pinakahihintay nating 17th anniversary presentation ng Bubble Gang na pinaghandaan nang husto para maging kakaiba ito.

Ayon sa creative consultant ng show na si Michael V. Kasama siya sa pag-iisip kung paano laging mapapaganda ang longest running gag show sa bansa na paboritong panoorin ng local viewers tuwing Friday night.

***

Janella Salvador, gustong pantayan ang kasikatan ng mga tweens na sina Bea Binene at Barbie Forteza

AKSIDENTE lang ang pagpasok ni Janella Salvador sa showbiz. Ang nag-iisang anak nina Juan Miguel Salvador sa aktres na si Janine Desiderio na ngayo’y 14 years old lang at lumalabas sa morning soap ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart.

Aba! nakita lang si Janella ni Mr. M ng Star Magic sa programa ng Eat Bulaga sa portion noong Sa Pulat, Sa Puti, ipinatawag na agad para papirmahin ng kontrata.

Sa ngayon ay lumalabas ang kanyang inang si Janine sa mga soap ng GMA 7.

Naikuwento ni Janella sa amin na natagalang mag-decide raw ang mga taga-GMA 7 people kung kukunin siyang artis ta ng network kaya raw siya siya napunta sa ABS-CBN kung saan may tatlong taong kontrata siya sa Star Magic, pero co-managed siya ni Direk Manny Valera.

Kahit markado ang role niya sa morning soap bilang anak ni Papa Chen sa istorya, gusto pa rin niyang matulad sa mga kasing edad niya sa GMA 7 na sina Bea Binene at Barbie Forteza na parehong bumabandera sa mga lead roles sa kani-kanilang soap opera.

Si Bea ay may Angelina del Cielllo na itatapat ng GMA 7 sa Be Careful With My Heart, samantalang si Barbie ay may Mariposa, na mapapanood bago mag-24 Oras.

Nagulat sa amin si Janella nang malaman niyang nagkapangalan si Kathryn Bernardo sa GMA 7 nang lumabas bilang young Marian Rivera sa local soap adaptation ng Endless Love, na isang dating Korean soap.

Typical tween star si Janella dahil hanggang crush lang siya ngayon, never pang nai-in love. Pangunahing crush niya ay si Daniel Padilla. Why Daniel? Aniya: “Gusto ko sa lalaking guwapo at magaling kumanta!”

Di kaya siya tulad ng inang si Janine na nagkagusto rin noon kay Juan Miguel na sikat na sikat na singer noon!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply