Maximum tolerance ipatutupad ng MPD vs demonstrador sa paligid ng SC

NAGPATUPAD ngayon ng maximum tolerance ang pamunuan ng Manila Police District sa paligid ng bisinidad ng Korte Suprema laban sa mga demonstrador na magsasagawa ng kilos protesta ngayong umaga kontra sa kontrobersyal na Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ayon kay MPD District Director Chief Superintendent Alex Gutierrez, nagtalaga na ito ng kapulisan sa Padre Faura kung saan matatagpuan ang tanggapan ng SC at Department of Justice.
.
Ayon kay Gutierrez, nakahanda na ang kapulisan ng Maynila sa anumang kilos protesta na gagawin ng mga supporters at kritiko ng nasabing batas.

Umapela naman si Gutierrez sa mga  grupo ng demostrador na maging mapayapa sa gagawin nilang kilos protesta upang maayos na maisasagawa ang kanilang pagkilos.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply