May career na ngayon!

ISANG malaking karangalan for Arjo Atayde ang magkaroon ng double nominations sa darating na PMPC Star Awards for Television on November 18 na gaganapin sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo University sa Katipunan, Quezon City.

Dalawa kasi ang kategorya kung saan napansin ang akting ni Arjo. Ang una ay sa seryeng Eboy kung saa’y napili siya as one of the nominees sa Drama Actor.

Sa kanyang ikalawang nominations naman ay bilang Best Single Performance By An Actor sa “Maalaala Mo Kaya: Bangka” episode, isang madramang pagganap nito bilang panganay sa magkakapatid na nagtaguyod sa pag-aaral ng mga kapatid.

“Napaiyak ako no’ng malaman ko na nominated ako,” ani Arjo no’ng aming makausap.

Nasa Bacolod City raw ito for a Star Magic event at nagtataka raw ito at maraming bumabati sa kanya for the said nominations?

“Nagkataon, may nag-tweet sa akin, kaya binuksan ko email ko. No’ng mabasa ko, napaiyak ako. Hindi ko kasi in-expect.” aniya.

Only 6 months sa kanyang career as an actor, bibihira ang tulad niyang makaaarte at mapapansin ang kanyang talent.

Tinanong namin si Arjo kung bakit kina-career pa nito ang pag-aartista samantalang buhay-prinsipe ito kung tutuusin dahil sa magandang kalagayan ng kanyang pamilya? Ang kanyang mommy, si Sylvia Sanchez, na bagama’t character actress ay di nawawalan ng project. Ang kanya namang tatay na si Art Atayde ay businessman in his own right.

“I really like acting,” sabay ngiti ng 23 year old na binata. Bata pa ako, gusto ko nang umarte. “Remember no’ng Esperanza days? ako mismo nag-a-aplay kay Direk Rory (incidentally ay direktor ng Esperanza with Juday as leading lady) sa set. Without my mom’s knowledge, ha?” pagmamalaki pa ni Arjo.

But of course, ayaw muna ng kaniyang parents na itigil ang kanyang pag-aaral kaya’t kinalimutan muna nito sandali ang pangarap.

“Sana, tuloy-tuloy na ito,” dalangin ni Arjo when he mentioned to us several plans ng ABS-CBN sa kanya gaya ng isang serye, ang Dugong Buhay with Ejay Falcon.

Mala-Cain at Abel ang iskrip, ayon kay Arjo, magkaibigang magpapatayan dahil sa inaangking yaman.

—@@@—

MAGSASANIB-PUWERSA ang Star Magic at SunLife para sa isang fund-raising called Star Magic Gives Back Concert na gaganapin on November 24 sa The Fort.

Mauuna muna ang SunPiology Run ni Piolo Pascual sa dapit-hapon (sunset), isang pagtakbo para makalikom ng pondo sa mga kabataang tinutulungan ng kanyang (Piolo) Hebreo Fou8ndation, also ng ABS-CBN’s Lingkod Kapamilya.

Piolo Pascual’s brain child, last year’s concert gathered (Star Magic Gives Back Concert part 1) Star Magic’s biggest stars in one night and collected over half a million pesos which they donated to various charities including ABS-CBN’s Sagip Kapamilya, Elsie Gaches Village, Reception and Study Center for Children (RSCC), Noordhoff Craniofacial Foundation Philippines and the Sanctuary Center, in cooperation with ABS-CBN’s 71 Dreams Foundation.

Nagkaroon rin ng isang feeding program para sa mahigit na isang daang kabataan sa Fairview, Quezon City.

—@@@—

ANG SunPIOLOgy Run 2012 ay magi-start sa Venice Piazza Mall, Mc Kinley Hill sa 24th of November and ends with the Star Magic Gives Back Concert. Joining the fun that night are Pokwang, John “Sweet” Lapus, Sam Milby, Khalil Ramos, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Enrique Gil, JM De Guzman, Alex Castro, Bryan Termulo, Myrtle Sarrosa, Robi Domingo, Sam Concepcion, Drei Felix, Megan Young, Jolo Estrada, Bangs Garcia, Empress, Paolo Avelino, Jason Abalos, Young JV, Rayver Cruz, Matteo Guidicelli, Bugoy Drilon, Liezel Garcia, Nyoy Volante, Jed Madela, Yeng Constantino, Angeline Quinto, Xian Lim, Enchong Dee, Maja Salvador and Piolo Pascual.

Piolo says he’s loveless sa ngayon dahil concentrated siya sa kaniyang career. May gagawin siyang Star Magic movie, isang serye, ang Apoy Sa Dagat, at may series of shows pa siya sa US this month sa Reno, Nevada, San Diego at iba pang lugar sa Amerika. “Saka na muna (lovelife). I promised my son (Inigo Pascual), na ‘pag 18 na siya, roon na ako magsi-settle down,” ani papa P.

Inigo’s 15 years old right now kaya’t 3 more years to go na lang, by then papa P is 38 years old. “Non-showbiz,” ani Piolo.

Ayaw na niyang mapaso ulit sa isang showbiz na karelasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply