Mayabang si Brillantes at protektadong sugal sa R-8

MAYABANG ang dating ni Co-melec Chairman Sixto Brillantes nang mapanood ko ang asta ng mamang ito sa telebisyon habang pinagagalitan niya ang ilang tao na nakahilera para humabol sa pag-parehistro para sa 2013.

Masyado nang malaki ‘yang “bangs” mo Chairman Brillantes .  Nakalimutan mo na ba na ‘yung mga tao na pinagalitan mo ay sila ang mga nagpapalamon sa pamilya mo?

Maliban “opkurs” kung may iba pa kayong income r’yan sa comelec!

Ang punto ko, parekoy, karapatan mo ang hindi na magbigay ng extension para sa registration ng mga botante, pero wala kang karapatang pagalitan ang mga tao at ipahiya sila! Pwe ka!

Kung may basehan ka sa batas huwag mo silang irehistro, pero huwag kang umastang akala mo, eh, kung sino kang haring Herodes na ipinahihiya mo sila sa mata ng publiko!

Kung gusto mong irespeto, magrespeto ka muna!

Tangna!

-o0o-

KARUGTONG po ito Gen,  Elmer Soria, ng mahabang listahan ng gambling lords sa Region 8 na diumano ay sentralisado sa Regional level ng PNP ang “lingguhang tongpats!”

Kaano-ano mo, sir, si Tito Soria na may hawak ng sugal sa buong Calbayog City?

Isang Ervin Dy (mayor?) ang inginuso na lord sa Julieta at Pastrana (2nd Dist.) Leyte.

Si Totoy Patis ang may hawak sa Calubian, Leyte.

Si Joel Go naman ang lord sa Baybay at Mahaplag, samantalang si Boy Daza naman ang namamayagpag sa buong 2nd District ng Northern Samar.

Ito po, Gen. Elmer Soria, ipasuri mo ang mga detalyeng ito.

Si Bernie Tacoy na kadikit at kilalang isa sa mga financer nina Kanangga Mayor Eming Codilla at Ormoc City Mayor Biboy Codilla ang ating unahin.

Nakalalamang ang illegal gambling na “swertres bookies” ni Tacoy sa Ormoc City at Kanangga.

Ang iba pang lugar sa Leyte na laganap ang kanyang iligal na “swertres bookies” ay sa Barugo at Albuera.

Sa ngayon ay pumoporma si Tacoy na maka-penetrate sa Merida at Palompon ngunit matindi ang depensa nina Noli Go, Mario Planco, Atoy Daysam at Mayor Ramon Oñate.

Say mo, Gen. Soria?

-o0o-

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply