Mayor Lim laglag kay Col. Quirante at si Gen. Decano

LAYAS agad sa pwesto ang mga pobreng magtitinda sa Divisoria, CM Recto at Binondo (Stn 11) tuwing sila’y hindi nakapagbigay sa “enkargado” ni Col. Ferdinand Quirante na si P01 Blanco.

Ayon sa source, 18 ang collector ni Quirante sa magpa-plastik pa lang, kaya naman pala umabot ang total weekly collection sa 300K!

Tangna, parekoy, ang laking pera niyan!

Sa kwenta ng source, mula nang maluklok si Quirante sa presinto 11 ay hindi bababa sa 30 milyon na ang naiipon nito!

Katunayan, last month ay pinabasbasan na ni kernel ang kanyang bagong mansion sa Cainta, Rizal!

Fall back position daw ni kernel, na kung matalo man si Mayor Lim ay magre-resign siya sa 2016 para labanan si Cainta Mayor, Mon Ilagan!

Hak, hak, hak, dalawang yorme ang delikado rito kay Col. Ferdinand Quirante!

Sandali, parekoy, hindi kaya maagang nilalaglag ni kernel si Mayor Alfredo Lim?

Sa tuwing may palalayasin na vendor na hindi nakapagbibigay, ang rason ni Quirante ay utos daw ni Mayor Lim!

Sabagay, dahil matunog na nga sa Maynila ang “tiyak” na panalo ni Erap kaya nilalayasan na si Lim ng kanyang mga kaalyado, maging sa pulisya.

Nakupow! Mukhang inoonse na nga ni Quirante si Mayor Lim d’yan sa presinto 11!

-o0o-

GALIT na si NPD Director, C/Supt. Antonio Decano dahil sa pagte-tengang kawali ni Valenzuela City Chief of Police S/Supt. Welben Mayor.

Si Col. Mayor kasi ang itinuturo na nagpapakolekta tuwing Biyernes mula sa iligal na sugal ni Don Ramon at “sakla king” na si Toti , ayon mismo sa enkargado ni Don Ramon na si Boyet Kalabaw.

Ayon sa ating impormante, dahil sa galit ni Gen. Decano kaya ipinag-utos na nito na ratsadahin agad ng District ang nasabing mga pasugalan! Pag nagkataon parekoy, tiyak na sibak si Col. Mayor!

Baka isampol siya ni Gen. Decano r’yan sa Camanava sa “one strike policy”!!!

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking programang “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 5-6pm). Para sa inyong reaction: 09098992775

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply