Mayor ng Aliaga sa Nueva Ecija, kakasuhan sa Ombudsman

ISANG municipal Mayor ng Nueva Ecija ang nakatakdang sampahan ng kasong grave misconduct at usurpation of legislative function ng pito niyang mga konsehal sa tanggapan ng Ombudsman.

Ang reklamo laban kay Aliaga municipal mayor Marcial Vargas ay nag-ugat sa umano’y hindi pagpapatupad  ng salary grade allocation sa pitong konsehal alinsunod sa Circular na inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) magmula pa noong July 2008.

Ayon sa reklamo ng pitong konsehal na kinabibilangan nina Cesar Cajucom, Juanita De Leon, Juanito Martin, Albert Bumanlag, Lourdes Celestino, Almario Bernabe at  Melody Vegiga hanggang sa ngayon  anila’y patuloy na binabalewala umano ni Mayor Vargas ang pagpapatupad ng circular ng  DBM ukol sa salary schedule para sa  First Class Municipality .

Dahil sa patuloy aniyang pag-unlad ng munisipalidad ng Aliaga kada taon ay naabot ngayon  ng munisipalidad ang pagiging first class municipality nito  mula sa  pagiging dating third class dahil sa paglago ng kinikita ng munisipalidad bawat taon .

Ayon kay Cajucom na siyang Chairman ng  Committee on Finance, Budget and Appropriation ng  Sanguniang bayan ng Aliaga naayon lamang aniya ang DBM circular sa kasalukuyang kinikita ng Aliaga at may kakayahan na itong I adopt ang salary grade allocations sa pinansiya dahil sa kategorya nito bilang  nangungunang munisipalidad.

Sa kanilang  reklamo ginamit umano ng munisipyo ang salary schedule ng isang first class municipality classification noong Marso 1 sa kasunod na taon ng 2009.

Magkagayunman  hindi umano sinunod at patuloy na hindi ipinapatupad ang DBM circular at sa halip naglabas lamang ito ng direktiba na magamit ang salary schedule para sa  second class municipality.

Dahil dito, nagdeklara ang pitong konsehal ng  pagtalikod ng suporta  laban kay Mayor Vargas at sa  kanilang Vice Mayor na si Elizabeth Vargas na nagkataong asawa ni Mayor na patuloy na binabalewala ang pangkalahatang interes ng munisipyo at kanyang mga mamamayan kung kaya magsasampa na sila ng reklamo sa Ombudsman.

Maliban dito, sinulatan na umano ni Nuestra Senor Delas Saleras Parish Priest Rev. Fr. Danilo Cipriano si Commissioner Heidi Mendoza ng  Commission on Audit kaugnay pa rin sa alituntunin ng good governance at transparency ng administrasyong Aquino upang matutukan ang umanoy iregularidad  at iligal na ginagawa ng mag-asawang Vargas na halos 21 taon ng pinaghaharian ang nasabing munisipalidad .

Nagpadala na rin ng kopya ng kanilang reklamo ang mga konsehal sa Department of Interior and Local Government sa pamamagitan ni Usec. Austere Panadero para isuspinde si Mayor Vargas habang hawak ng Ombudsman ang kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply