Mayoralty bet sa Maguindanao, inambus

SUGATAN sa ambus ang isang mayoralty bet matapos ratratin ng motorcycle riding men sa Sultan, Kudarat nitong Miyerkules ng hapon (Oktubre 25).

Nagtamo ng tama ng bala sa kamay at braso ang biktimang si Yamashita Mangacop, isang aspirante para sa pagkamayor sa pangalawang distrito ng Datu Hoffer town sa Maguindanao.

Wala naman ideya pa ang awtoridad kung sino ang mga nagtangka sa buhay ni Mangacop pero malaki ang hinalang may kaugnayan ang insidente sa nalalapit na pagtakbo nito sa politika.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas 5:30 nitong Miyerkules ng hapon sa isang bisinidad ng national highway na malapit sa Sultan Kudarat.

Bago ito, minamaneho ng biktima ang kanyang sasakyan nang biglang pagbabarilin ng mga suspek na nakasakay sa motorsiklo.

Ayon sa mga nakasaksi, tinangka pang agawin ni Mangacop ang barill ng isa sa mga suspek nang magpaputok pa ulit ito ng kanyang baril kaya nagkaroon ng komosyon.

Nakaramdaman ng panganib, tumakas naman agad ang mga suspek nang biglang dumami ang mga usiserong residente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply