M’cañang distansiya sa pagpapaaresto kay GMA

DUMISTANSIYA ang Malakanyang sa desisyon ng Sandiganbayan na muling arestuhin si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa P300 million plunder case na may kinalaman sa iregularidad sa paggamit ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, nirerepesto nila ang anumang desisyon na ilalabas ng Sandiganbayan dahil ipinapakita lamang aniya nito na may matibay na ebidensiya laban sa dating lider at ilang opisyal ng PCSO.

“And so, we leave it with the Ombudsman to prosecute the case. They themselves have found a prima facie case against on the former President and the officials of the PCSO,” anito.

Wala namang pakialam ang Malakanyang kung paano o ano ang gagawin ni Mrs. Arroyo sa kanyang pangangampanya na matapos maghain ng kanyang Certificate of Candidacy (CoC) ay saka pa nagpalabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan laban sa kanya.

Ang muling pag-aresto sa dating lider ay hindi bahagi ng pamumulitika kundi base aniya sa ebidensiyang magpapatibay na may kinahaharap siyang kaso.

“When it comes to the case before the Sandiganbayan, it will be litigated based on the evidence that the government would be presenting through the PCSO. So, I think, it should be free from politics and should be solely based on the evidence that will be submitted,” turan nito.

Nauna nang nagpalabas ng  warrant of arrest ang Sandiganbayan noong Oktubre 3, laban kay dating Pangulong Arroyo kaugnay sa kanyang plunder case.

Sa ulat, nilagdaan ni Associate Justice Efren, chairman ng Sandiganbayan 1st Division, ang arrest order, ayon kay Atty. Estela Teresita C. Rosete ng nasabing division.

Noong Hulyo, naghain ang Office of the Ombudsman ng P365-milyon plunder case sa Sandiganbayan laban kay Gng. Arroyo kaugnay sa paggamit ng PCSO intelligence funds.

Gayunman, ayon sa Sandiganbayan, hindi kumpleto ang naging preliminary investigation ng kaso sapagkat hindi naghain ng motion for reconsideration si Gng. Arroyo sa Ombudsman sa kaso niyang plunder.

Noong Lunes, ibinasura na ng Office of the Ombudsman ang motion for reconsideration ng kampo ni Gng. Arroyo at pinanindigan na nagsagawa ang dating Pangulo ng mga hakbang upang mai-divert ang pondo mula sa PCSO para sa personal niyang kapakanan.

Pansamantalang nakalaya si Gng. Arroyo matapos siyang maghain ng P1 milyon piyansa noong Hulyo sa kasong electoral sabotage na inihain laban sa kanya kaugnay sa pandaraya naman noong 2007 sa senatorial elections. Naghain siya ng “not guilty plea” sa kasong ito.

Walong buwan siyang nanatili sa ilalim ng hospital arrest mula pa noong Nobyembre. 15 ng nakaraang taon, una sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City, at inilipat siya sa Veterans Memorial Medical Center simula noong Disyembre.

Kasalakuyang naghahanap ang dating pinuno – na tumatakbo para sa kanyang re-election bilang representative ng Pampanga – ng alternatibong pagpapagamutan para sa kanyang karamdaman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply