Media absentee voting, aprubado na ng Comelec

PINAYAGAN nang Commission on Elections (Comelec) na makalahok sa absentee voting para sa  2013 midterm elections ang mga mamamahayag.

Ito ay matapos na paboran ng komisyon ang mosyon ng mga media practitioners.

Ayon sa Comelec, valid ang mga naipresentang dahilan ng media group sa pangunguna ng tumatayong legal counsel na si Atty. Romulo Macalintal sa pagsulong ng naturang petisyon.

Ang mga media ay maaari nang makaboto ng mas maaga bago ang itinakdang halalan upang hindi maka-apekto sa pagganap nila ng kanilang tungkulin at makapaggbibigay ng impormasyon at balita na may kaugnayan sa halalan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply