Media nagrally sa SC vs Cybercrime Law

TINATAYANG 500 mamamahayag na miyembro ng National Presss Club ang nagsagawa ng motorcade at nagtungo sa Korte Suprema upang iapela sa mga mahistrado ng Korte Suprema na ibasura ang Cybercrime Prevention Act of 2012 o RA 10175.

Iginiit ni NPC President Benny Antiporda at Jerry Yap, dating Pangulo ng NPC, na sinisikil ng naturang batas ang freedom of expression.

Maari daw itong maabuso ng mga tiwaling tao at ng pulitiko lalo na’t nalalapit ang halalan.

Nanawagan ang mga mamamahayag sa mga mahistrado ng SC na huwag padala sa mga bulong ng mga mambabatas.

Binigyan diin ng grupo na ibasura ng SC ang Cybercrime Law at ideklarang unconstitutional.

Anila, masyadong general ang nakasaad na libel sa probisyon. Nakakabahala anila na maging ang mga pribadong account ng mga indibidual ay pasukin ng gobyerno.

Ayon kay Antiporda, hindi importante ang implementing rules and regulation o IRR ang batas mismo ang dapat baguhin.

Nagbanta ang NPC na sakaling hindi magpalabas ng TRO ang SC ay magsusunod-sunod ang kanilang pagkilos at sisiguraduhin daw nila na walang botong matatanggap ang mga kandidato na pabor sa Cybercrime Law.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply