PNP, MMDA at DOTC handa na sa Undas

TINIYAK ng Malakanyang na nakahanda at nakaalerto na ang Philippine National Police (PNP), Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of transportation and Communications (DOTC) hinggil sa paggunita sa Undas (Araw ng mga Patay – Nobyembre 1 at Araw ng mga Santo – Nob. 2).

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte nakakasa na ang lahat ng preparasyon ng pamahalaan at nakaalerto na ang mga ahensya para sa four-day long weekend.

Nakahanda aniya ang mga nabanggit na ahensya sa mga lugar na madalas na pinupuntahan ng mga tao sa ganitong panahon.

Bukod sa mga nabanggit ay nakaalerto na rin aniya ang NCRPO para siguraduhing walang untoward incident na mangyayari habang nasa sementeryo at naglilinis ng mga puntod ang mga tao.

Ayon kay Valte, naglabas na rin ng paalala ang PNP at matutunghayan sa Official Gazette para magamit ng mga uuwi sa lalawigan. Nakasaad dito ang mga emergency numbers na maaaring matawagan kapag nagkaproblema sa lansangan.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng Palasyo ang taumbayan na maging alerto at mapagmatyag at agad i-report sa awtoridad kung may makitang kahina-hinalang bagay o kilos ng tao.

Sa kabilang dako, itatago naman ng Malakanyang ang iskedyul ni Pangulong Benigno Aquino III sa ika-1 ngNobyembre.

“On November 1, we will advise you the day before usually kapag ganoon. As I mentioned over the weekend, hindi po natin ii-include doon sa schedule ng Pangulo kung sakaling bibisita po sila sa puntod ng kanyang pumanaw na ama’t ina para mabigyan naman po ng konting pagkakataon ang Pangulo at saka ng kanyang pamilya to say their prayers in private,” ang pahayag ni Usec. Valte

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply