Mga aktibista sumugod sa bahay ni PNoy

NAGSUNOG ng may 40 litrato ni Pangulong Benigno Aquino ang mga sumugod na militanteng grupo sa Times Street, Quezon City malapit sa bahay ni Pangulong Noynoy Aquino.

Sumugod sa kalye ang mga militanteng kaanib sa Kalipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK) sakay ng mga bus at jeep mula pa sa Northern at Southern Luzon.

Ayon sa grupo, sinunog nila ang 40 litrato ng Pangulo simbolo ng  40 taong umano’y palpak na implementasyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Humihingi naman ng paliwanag si Pinagkaisang Lakas ng mga Magbubukid sa Quezon (PIGLAS Quezon) Spokesperson Mylene Zantua sa pamahalaan kung saan napupunta ang Coco Levy Fund.

Limang minuto lamang ang itinagal ng kanilang programa at dahil sa matindi ang seguridad na isinagawa ng pulisya, hindi nagawang makalapit ang ng militanteng grupo sa  bahay ng Pangulo.

Dumiretso naman ang mga ito sa Mendiola upang ipagpatuloy ang kanilang protesta.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply