Mga Alas ng Letran mawawala

NABIGO ang Letran Knights na makuha ang titulo sa katatapos na NCAA season 88 men’s basketball tournament Finals.

Kaya malungkot ang huling taon ni Louie Alas sa nasabing eskuwelahan.

Bago pa magsimula ang season ay nasabi na ni Alas sa kanyang mga players na huling taon na niya ito sa pagko-coach dahil magpapahinga muna ito at upang magkaroon din siya ng oras sa kanyang pamilya.

Sabi pa ni Alas, assistant coach ng Alaska Aces na inaasahan niyang manalo sa kanyang huling laro pero nalungkot ito dahil natalo sila.

Maaaring huling taon na rin ng kanyang anak na si Kevin sa paglalaro sa Letran dahil nais nitong sumali sa Smart Gilas.

Lumabas ang bangis ng San Beda College Red Lions ng sagpangin nila ang three-peat tilt ng talunin nila sa Game 3 ang Letran, 67-39 kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Sa umpisa pa lang ay hindi na nakitaan ng gilas ang Knights at habang sumisingasing ang Red Lion sa kanilang opensa ay walang magawa ang Letran para pigilan ang determinadong San Beda.

Ayon kay Red Lions coach Ronnie Magsanoc ay inaasahan niyang magiging baliktan ang laban hanggang sa huling period.

Nirendahan ni Finals MVP Baser Amer ang opensa ng SBC na may 14 markers, habang sa kanyang huling laro ay bumuhos si Anjo Caram ng 17 points.

Samantala, paniguradong magbabalik si Magsanoc sa isang taon para mag coach sa San Beda.
Naka-grand slam ang San Beda noong 2006-08.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply