Mga ‘di Muslim sa Bangsamoro, irespeto – Obispo

UMAASA ang isang Catholic bishop na ang lilikhaing Bangsamoro sa Mindanao ay magkakaroon ng respeto sa mga hindi Muslim.

“How I wish the approach of the new government is respect, respect, respect,” ani Basilan Bishop Martin Jumoad sa kaniyang homiliya sa banal na misa na idinaos nila kasabay nang paglulunsad nito ng kanilang Golden Jubillee Year.

“We ask that the Bangsamoro political entity through its leadership to always observe utmost respect for everyone,” apela pa nito.

Kasabay nito, umapela rin si Jumoad sa mga uupo sa kapangyarihan sa Bangsamoro political entity na patunayang wala nang magaganap na “graft and corruption” at magtatrabaho sila para sa “peace and development.”

Naniniwala ang Obispo na kung magiging mas visible lamang ang mga mayor sa kanilang nasasakupan at kung walang mga ambush na nagaganap sa mga Katoliko sa lalawigan, ay darating din ang panahon na lahat ng Kristiyano ay magsasasabing pabor sila sa Bangsamoro.

“As we ask our Catholics to renew, we also ask you brothers and sisters in Islam to do likewise as you change your style of leadership by being more conscious of justice, thereby reducing graft and corrupt practices to the minimum,” aniya pa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply