Mga empleyado na tatamaan ng Leptospirosis maaaring bayaran ng ECC

ANG employees’ compensation commission (ECC), isang katugon na ahensiya ng Department of Labor and Employment. Inaprubahan ng ECC ang apela ng biyuda ng isang dating manggagawa ng Jenny’s Farms sa Negros Occidental, at inotorisa na mabigyan ng death benefits.

Nakuha ng biyuda ang death benefits sa ilalim ng employees’ compensation program na unang tanggihan ng Social Security System (SSS) sapagkat ang pagkuha sa benepisyo ay hindi suportado ng mga laboratory exam o microscopic agglutination test (MAT) na para sa sakit na leptospirosis. Dahil sa mga pangyayari siya ay umapela sa Employees’ Compensation Commission (ECC), na rebyuhin ang baligtad na desisyon ng SSS.

Ang maagang pagkamatay ng trabahador sa edad na 35 years old ay dahil sa kanyang trabaho. Ayon sa mga pangyayari siya ay inutusan na maghukay ng kanal sa Jenny’s Farms sa panahon na siya ay may bukas na sugat sa kanyang paa. Pagkaraan ng apat na araw, siya ay dinala sa ospital dahil sa panghihina at pananakit ng tiyan. Makaraan ang pitong araw, siya ay natagpuang may Leptospirosis.

Ayon kay ECC Executive Director Stella Z. Banawis, pinatutunayan ng pagsusuri sa medisina na ang mga natutuklasan na mga antibodies sa MAT sa kabuuan ay hindi natutuklasan kaagad hanggang sa pangalawang linggo ng pagkakasakit.

Ang ECC ay hindi sumang–ayon sa SSS sapagkat dahil sa malubhang sakit ng trabahador, at ang pasyente ay namatay bago pa ang MAT ay magawa.

Ang trabahador na asawa ng biyuda ay mayroong bukas na sugat nang siya ay maghukay ng kanal sa farm at mapatutunayan na lalong sumidhi ang mikrobyo ng leptospirosis dahil sa ginawa niyang paghuhukay, at dahil sa kapaligiran nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply