Mga makabayang artista, tinanghal ng CCP

IKINATUWA ng isang progresibong mambabatas ang pagkakasali ng dalawang makabayang artista sa 13 Artists Award ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas o CCP.

Ayon kay Bayan Muna congressman Teddy Casino, kapuri-puri ang desisyon ng CCP dahil isinama sina Kiri Dalena, isang filmmaker at iskultor, at Renan Ortiz, isang artistang biswal, sa mga pinarangalan ngayong taon.

Ang desisyon ng CCP, ayon kay Casino, ay pagpapakita ng matibay na paninindigan dahil hindi laging positibo ang pagtingin ng gubyerno sa mga artistang aktibista.

Si Dalena ay naglunsad ng isang eksibit na pinamagatang “Washed Out” kumakailan tungkol sa pagbabaha at mga kalamidad at epekto nila sa mamamayan.

Si Ortiz ay kasapi ng Concerned Artists of the Philippines at kilala sa kanyang matatalino at makamasang mga sining biswal.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply