Mga manggagawa, ipinagluksa ang kamatayan ng kasiguruhan sa trabaho

SA bisperas ng Undas, nag-piket ang mga manggagawa ng isang cargo forwarding company kaninang umaga upang ipagluksa ang anilaý kamatayan ng kasiguruhan sa trabaho.

Nagpiket sa tanggapan ng Pambato Cargo Forwarding Inc. sa Dimasalang, Sampaloc, Maynila ang mga manggagawa nito na may pasan na kabaong na may nakasulat na “job security.”

Labingwalo sa mga manggagawa ng Pambato sa Lungsod ng Iloilo ang gustong tanggalin ng kumpanya na papalitan naman umano ng mga kontrakwal.

Paliwanag ng mga manggagawa, sinisisi nila ang Department Order 18-A Series of 2011 ng Pamahalaang Aquino na nagbibigay-kaluwagan sa mga kapitalista na magtanggal ng mga regular na manggagawa.

Ang naturang kautusan ay nagbibigay-pahintulot din umano sa mga kapitalista na palitan ang mga regular na empleyado ng mga kontraktual.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply