Mga manggagawa, nagbigay-pugay sa pinatay na lider-obrero at tsuper

DALAWANG araw bago ang undas, nagbigay-pugay ang mga manggagawa sa alaala ni Rolando Olalia at Leonor Alay-ay sa panandang bato kung saan natagpuan ang kanilang mga labi noong 1986.

Nagpunta ang Kilusang Mayo Uno sa Lungsod ng Antipolo upang bigyang ng pagpupugay sina Olalia at Alay-ay kaninang umaga upang bigyan sila ng maagang bisita bago ang pista ng mga patay.

Ang naturang dalaw ay isa ring paggigiit ng katarungan para sa mga biktima, lalo pa’t sumuko na ang isa sa mga pangunahing akusado sa pagdukot, pag-tortyur at pagpatay sa mga biktima.

Subalit kinokondena ng KMU ang patuloy na pagkakanlong ng Intelligence Service Group ng Philippine Army kay dating Lt. Col Red Kapunan, ang pangunahing akusado.

Si Kapunan ay lider ng Reform the Armed Forces Movement o RAM na siyang itinuturong pumatay kina Olalia at Alay-ay dalawampu’t anim na taon na ang nakararaan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply