Mga militanteng grupo lumusob sa Comelec

LUMUSOB sa Commission on Elections (Comelec) ang ilang mga militanteng grupo upang kondenahin ang pagbibigay ng akreditasyon sa mga partylist groups.

Ayon kay Elmer Labog, ng Kilusang Mayo Uno (KMU), halata umanong winawalis ng Comelec ang mga grupong kaalyado ng dating administrasyon habang pinapaboran naman ang mga grupo na kakampi ng Aquino administration sa talaan ng mga partylist.

Kinondena rin ng grupo ang pagdiskuwalipika sa Ako Bicol (AKB) at ang pagpayag sa Akbayan na lumahok sa halalan.

Ipinaalala rin ng grupo na dapat ay may kinakatawang marginalized sector ang partylist at hindi binubuo ng mga milyonaryo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply