Mga monopolyo sa kuryente buwagin

WALANG tigil ang mga monopolyo sa bansa sa pagkilos upang kumita sila ng mga dambuhalang salapi kahit hirap na hirap na si Juan sa kanila.

Kabilang sa mga ma-sasabing monopolyo o walang kalaban sa negosyo ang mga kompanya ng kuryente na may kanya-kanyang teritoryo sa repablik ni Juan.

Ang Meralco ay maituturing na isang monopolyo at kung hindi tayo nagkakamali, ang balak nitong paniningil ng bagong deposito mula sa nasa limang milyong kostumer nito ay isang paraan para kumita ito nang malaki.

Mula sa mga naririnig kong paliwanag, hindi naman umano gagalawin ng Meralco ang halagang masisingil nito lalo’t may hiwalay itong account sa bangko at pupuwedeng i-withdraw ng isang kostumer ang kanyang deposito, kabilang na ang interes nito sa bangko.

Basta gusto lang nitong itaas ang deposito dahil nag-iba na, lumaki na umano ang konsumo ng mga kostumer at dapat na ipantay rito ang deposito.

oOo

Sa totoo lang, kahit ano ang paliwanag ng Meralco, hindi ko maintindihan kung saan talaga pupunta ang gusto nitong singiling deposito.

Pero gaano ba kalaki ang babayarang deposito?

Por eksampol, magkano ang deposito ng nagbabayad ng P500 pababa at magkano ang para sa may konsumong mas mataas dito gaya ng P5,000, P10,000, P50,000 hanggang milyon-milyong piso, gaya ng mga farm sa manok at baboy, malalaking gusali at pabrika?

Hindi kaya panggagalingan na naman ito ng overcharging na ilang beses na yatang natatagpuan ng korte na ginawa ng Meralco?

Sa mga kaso ng overcharging, mabilis na kumolekta ang Meralco pero sa pagsasauli nito, siyam-siyam.

Dapat na magbantay ang lahat sa panibagong pahirap na ito sa kuryente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply