Mga nakulimbat na gamit sa Meralco Bolts pinalitan na

PINALITAN na ng SM Mall of Asia (MOA) Arena ang nawalang gamit ng coaching staff ng Meralco Bolts na ninakaw habang nasa kasagsagan ng PBA games noong nakaraang Miyerkules.

Ayon kay Rose Montreal ng PBA Properties, umaabot sa halos P200,000 ang halaga na nawala kina Bolts head coach Ryan Gregorio; assistant coaches Ronnie Magsanoc at Xavier Nunag.

Kabilang sa mga pinalitan ang tatlong iPads na nagkakahalaga ng tig-P30,000 ang bawat isa, mga cellular phones at maraming iba pa.

Kung maalala, ikinadismaya ng Bolts ang nangyaring pagsalakay ng magnanakaw sa kanilang dugout kasabay ng pagkatalo sa koponan ng Batang Pier.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply