Mga negosyante sa Europa, apektado ng pagpasa ng Sin Tax Bill sa Pinas

MARIING nagbabala ang mga negosyante sa Europa sa implikasyong maaaring idulot ng pagkakapasa ng Sin Tax Reform Bill sa Pilipinas.

Ang babala ay inihayag ng World Trade Organization (WTO) dahil makaapekto ang pagpasa ng nasabing batas na taasan ang buwis sa alak sa relasyon ng Pilipinas sa mga Eupropeong mamumuhunan.

Ayon kay European Chamber of Commerce of the Philippines Executive Vice President Henry Schumacher, hindi nakasusunod ang pagbabalangkas ng sin tax sa senado sa panuntunan ng WTO.

Ayon kay Schumacher, nakapagtataka ang biglaang pagpihit ng Pilipinas sa pagpapataw ng karagdagang buwis sa sigarilyo’t alak gayung mariin ang pagkontra rito ng pamahalaan nito lamang nakalipas na taon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply