Mga ospital code white alert ngayong Undas

KASUNOD nang paggunita ng Undas sa bansa ay isinailalim na rin ng Department of Health (DOH) sa code white alert ang lahat ng pampublikong pagamutan sa buong bansa.

Ayon sa DOH, kinakailangang magtaas ng alerto dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga Pinoy sa mga sementeryo at pag-uwi sa mga lalawigan dahil sa long weekend.

Nabatid na ang code white alert ay magtatagal hanggang sa Nobyembre 3.

Sa ilalim ng naturang alerto, ang lahat ng mga pampublikong pagamutan ay kinakailangang nakaantabay para sa anumang hindi inaasahang pangyayari.

Lahat ng mga staff at personnel ng pagamutan ay dapat na naka-duty sa panahon ng Undas para magbigay ng tulong medikal.

Dapat ding kumpleto ang lahat ng gamot at mga kagamitan sa mga pagamutan.

Kaugnay naman nito, nagpaalala si Dr. Lyndon Lee-Suy, head ng emerging at re-emerging diseases ng DOH, sa mga magpupunta sa sementeryo na mag-ingat sa mga bibilhing pagkain at inumin.

Aniya, dapat na tiyaking maayos ang pagkakahanda sa pagkain o inumin upang makaiwas sa anumang sakit.

Mas makabubuti rin aniya kung magdadala na lamang ng sariling baong pagkain para makatiyak na malinis ang mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply