Mga pelikulang de kalidad lang para kay Gov. ER Ejercito!

SA LALAWIGAN ng Laguna, naunang nag-file ng kanyang certificate of candidacy si Gov. Jeorge ER Ejercito Estregan kasama ang kanyang butihing maybahay at kasalukuyang Mayor ng bayan ng Pagsanjan, Laguna na si Maita Girlie Javier Ejercito. Kasama rin nito ang kanyangg running mate na si Dante Amante at mga kakandidatong board members sa ilalim ng partidong PMP/UNA.

Apat sa mga kakandidatong board members sa grupo ni Gov. ER ay ang dalawang kapatid nitong sina Gerard Ejercito (4th District) at Jerome Ejercito na dating PBA player para sa Unang Distrito at ang mga artistang sina Dennis Padilla at Angelica Jones na parehong mga taga-3rd District naman.

Andyan rin ang isa sa miyembro ng sikat na singers noong dekada ’70 na Tiongco Brothers na si Emil na reelectionist para naman sa 1st district at ang enviromentalist na si Andrew Nucon na isa ring reelectionist.

Hindi naman kaila sa mga Laguneno na sa dalawang taong panunungkulan ng kanilang Gobernador ay marami na itong nagawa para sa ikagaganda at ikauunlad na kasalukuyang tinatamasa ng kanyang lalawigan.

May mga programa pa siyang hindi natatapos kaya naman sa pagtakbo niyang muli ay sisikapin niyang ma-impliment ang lahat ng ito sa pakikipagtulungan siyempre ng lahat.

Katibayan ng kanyang mahusay na pamumuno at pamamalakad sa Laguna ay ang napakarami ng parangal na natanggap ni ER mula sa mga ahensya ng gobyerno partikular na ang iginawad sa kanya ng Pangulong Noynoy Aquino na siyang pinakamataas na parangal na iginawad sa isang Public Official at mula sa mga pribadong samahan na kumikilala sa kanyang pagiging mahusay na public servant.

Bilang artista naman, tinatapos na nila ang kanilang entry para sa nalalapit na Metro Manila Film Festival ngayong darating na kapaskuhan na “El Presidente, The Emilio Aguinaldo story and The 1st Philippine Republic” na maituturing na isang epic dahil sa laki ng nasabing pelikula.

Marami na ang humuhula na muling hahakot ito ng awards mula sa iba’t ibang award giving bodies dahil sa ganda at mahusay na pagkakagawa nito. Bukod pa sa all star cast ang nagsama-sama rito mula rin sa direksyon ng bata at mahusay na direktor na si Mark Meily under sa Scenema Concept Int’l at Viva Films.

Tinutuo nina Gov. ER at Scenema Concept producer na si Ms. Myleen Villalon Enriquez ang kanilang pangako na pawang de kalidad na pelikula ang kanilang gagawin tulad na lang ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story na tumanggap na ng 42 awards sa mga award giving body.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply