Mga residente ng CARAGA, nababahala sa rocket launch ng Sokor

HINDI pa rin maalis ang pangamba ng ilang residente sa CARAGA region dahil sa ulat na ipinapalabas ng National Disaster Risk Reduction Management Council  (NDRRMC) na posibleng sa karagatan umano ng Surigao, Dinagat at Siargao posibleng babagsak ang fuel boaster sa papaliparing rocket ng South Korea sa Oktubre 26.

Dahil dito, abala na ngayon ang Office of the Civil Defense (OCD) sa ibat-ibang lalawigan sa paghahanda ng mga contingency plan kung sakaling mangyari ang nasabing ulat.

Kaugnay nito mahigpit na pinagbabawalan ni NDRRMC chairman Benito Ramos ang mga mangisngisda sa mga lalawigan ng Agusan at Surigao na huwag pumalaot sa Oktubre 26 mula umaga hanggang hapon upang makaiwas sa peligro.

Magkakaroon din ng diversion ng mga eroplano bumibyahe Butuan-Manila, Butuan-Cebu at Butuan-Davao.

Pinawi naman ni Ramos ang pangamba ng mga residente sa pagsasabing sa karagatan lamang babagsak ang nasabing tanke ng rocket at hindi sa kalupaan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply