Mga rice hoarder mahaharap sa habambuhay na kulong

PAPATAWAN ng habambuhay na pagkabilanggo ang mga rice trader na mapatutunayang nagtatago ng bigas para magkaroon ng artificial shortage para makapagsamantala.

Nakasaad sa ilalim ng House Bill 2733 na nakahain sa House Committee on Agriculture, inaasahang mapipigil nito ang mga tiwaling rice traders sa kanilang iligal na sistema sa pagpapalaki ng kanilang kita sa bigas.

Sakaling mapatunayang nagho-hoard ng bigas ang isang trader ay papatawan ito ng parusang P100,000 multa at habambuhay na
pagkaka-kulong.

Nagtataka si Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, may akda ng nasabing panukala na bagama’t umaabot sa 14 milyong ektarya ang sakahan sa Pilipinas ay patuloy pa rin ang ginagawang pag-aangkat ng bigas sa ibang bansa.

Bagama’t may mga pagkakataon na maraming palayan ang nasisira dahil sa mga kalamidad pero hindi naman aniya kapani-paniwala na magiging dahilan ito para maubusan ng supply ng bigas ang bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply