Mga suspek sa pagpatay sa security escort ni de Lima, kinasuhan na

NAGSAMPA na ng kasong robbery with homicide ang kapatid ng pinaslang na security escort ni Justice Secretary Leila de Lima na si Alister Quintos laban sa mga miyembro ng UV-GT Express Roberry Holdup Gang.

Ang reklamo laban kina Ritchie John Cahinta, Almario Rentillosa, Jun Bellera, Ferdinand Paragas at Chris Dela Cruz ay inihain ni Adrian Quintos.

Matatandaang si Alister ay natagpuang patay sa San Ildefonso, Bulacan nuong May 10, 2012.

Nakasaad sa reklamo na si Quintos ay sumakay sa isang unit ng UV-GT Express na bumibyahe patungo ng Cogeo, Antipolo City.

Nagdeklara umano ng hold-up ang mga suspek na sakay ng sasakyan, pero nanlaban umano si Quintos at binaril ang isa sa mga suspek na si Bellera.

Pero nagawa umanong makontrol at mabaril ng iba pang suspek si Quintos.

Ang wala nang buhay na katawan ng biktima ay itinapon sa Bulacan.

Ang mga ebidensya na nakuha ng PNP mula sa pag-iimbestiga sa kaso ni Quintos ay hawak na ng NBI para sumailalim sa technical at forensic examination.

Ang mga nasabing suspek ay nauna nang kinasuhan ng illegal possession of firearms and explosives sa Paranaque Regional Trial Court.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply