Mga ‘tawilis’ sa Tagaytay at Gen. Espina, ipinangongolekta

JOKE ng isang taga MMDA, kaya pala sinundot ni Chairman Francis Tolentino ng batuta sa puwit, “months ago”, ang isang Brgy. Tanod sa Makati ay hindi para saktan.

Inalam lang daw ni Chairman Francis kung “taba o muscle” ang nakaumbok.

Para matiyak kung may resistensya! Hak, hak, hak!

Kaya napag-usapan natin, parekoy, itong “kutis-porselana” na MMDA Chairman dahil sentro siya ng pag-uusap kahapon ng ilang Brgy. Chairman ng Tagaytay City.

Aminado sila na “lantad” na ang lahat ng indikasyon nang pagwawakas sa paghahari ng pamilyang Tolentino sa politika sa Tagaytay.

Sa loob kasi ng ilang dekadang paghahari ng  mga Tolentino sa Tagaytay ay napakarami umanong karumal-dumal na ginawa ng mga ito, ngunit walang may lakas ng loob na isiwalat ito o sila’y salungatin.

Pero nitong mga nagdaang araw ay isa-isang lumutang ang mga taong magpapatunay sa umano ay sandamakmak na kanilang kabuktutan.

Bilang patunay na “the end is near” na sa politika ang mga Tolentino ay hindi na umano nila alam kung paano sasawatain ang “exodus” ng kanilang mga lider na kumakabilang bakod.

Kaya nga, sandamakmak na ‘tawilis’ ang ipinarehistro umano ni Chairman sa Tagaytay upang doon bomoto.

In short, “kargado” ngayon ng “flying registrants” ang Tagaytay City na magsisilbing flying voters sa 2013 election.

Tandaan ninyo, parekoy, kapag walang makita sa Metro Manila na taga MMDA sa araw ng election, alam na natin kung nasaan sila! Hehehe!

-o0o-

ISANG Col. Lee ang “hyper-active” ngayon sa NCRPO.

Pero ‘di legitimate operations ang pinagkakaabalahan ni Col. Lee, ayon sa “tawiwit.”

Collection, parekoy, mula sa jueteng, bookies ng karera, video karera, sakla, perya, club na may mga bold show at putahan sa massage parlors!

Mga pulis na sina Jiggs at Jun Bernardino ang ginagamit ni Col. Lee sa collections kung saan umaabot sa 2M ang remittance tuwing Lunes. May 2M ba si Gen. Leonardo Espina tuwing Lunes o ganyan kalaki ang bukol ni sir?

-o0o-

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply