Mga uuwi sa probinsya para sa Undas pinayuhan ng Malakanyang

PINAYUHAN ng Malakanyang ang mga kababayang uuwi sa kani-kanilang probinsya para makiisa sa paggunita ng Araw ng mga Patay na siguraduhin na mayroon silang emergency numbers para sa kanilang seguridad.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte wala namang masama kung susundin ng mga ito ang kautusan mula sa Philippine National Police (PNP).

“‘Yung siguraduhin lang po natin na meron po tayong listahan n’ung mga emergency numbers kung kakailanganin ho natin and sundin po natin ‘yung mga precautions na binibigay po ng ating Philippine National Police, lalo po doon sa pagse-secure ng inyong mga bahay bago po kayo umalis at makauwi po ng probinsiya,” ayon kay Usec. Valte.

Sinabi rin ni Valte na habang ang National Capital Region Police Office (NCRPO) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay hands-on upang tiyakin ang kaligtasan ng mga byahero ay sisiguraduhin naman ng Philippine Coast Guard, DOTC, LTO at LTFRB na magiging mapayapa ang biyahe ng mga ito palabas at pabalik ng Maynila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply