Migrante sa Pinay HSWs: ‘Wag nang magtrabaho sa Middle East

HINIMOK ng ng grupong Migrante International ang mga Pinay household service worker (HSWs) na huwag nang tangkaing magtrabaho sa anumang bansa sa Middle East dahil sa mga kaso ng pang-aabuso ng mga employers sa Pinay workers.

Ayon kay Migrante International Chairman Gary Martinez, ito ay upang maiwasan na ang mga pisikal na pang-aabuso tulad ng rape na kadalasang biktima ay mga Pinay domestic helper.

Aminado naman si Martinez na hirap silang makakuha ng datos hinggil sa bilang ng mga ginahasang Pinay sa Middle East

Ibinunyag ng Filipino migrants rights group na nagbibigay ng tulong sa mga inaabusong migrant workers sa Middle East na talamak na sa rehiyon ang maid-for-rent phenomenon.

Kinumpirma ni Migrante-Middle East (M-ME) regional coordinator John Leonard Monterona na bagamat puspusan ang pagtulong ang isinasagawa sa mga inaabusong OFW na nagtatrabaho bilang household service workers (HSWs) na tumakas sa kanilang mga employer sa Saudi Arabia at Middle East countries, ay nakahahanap pa rin ang iba ng mapapasukang employer sa tulong ng mga tinatawag na brokers na may negosasyong kahati nila sa matatanggap na suweldo.

Nabatid na kapag ang inaabusong domestic helper ay tumakas sa kanyang pinaglilingkuran pamilya, lalapit ito sa counterpart foreign recruitment agency (FRA) at magkakaroon ng panibagong negosasyon para mailipat siya sa ibang employer.

Sinabi ni Monterona, na ang shortage o kakapusan sa kasambahay bunsod ng mahigpit na restrictions sa mga banyagang katulong na ipinatutupad ng Saudi government ang dahilan ng pag-usbong ng maid-for-rent phenomenon na pinatatakbo ng mga broker at pinaglalagare ang mga kasamabahay sa paglilingkod sa dalawa o higit pang employers.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply