MILF, BIFF nagbakbakan sa Maguindanao, 2 patay

DALAWA ang iniulat na napatay sa naganap na sagupaan sa Maguindano sa pagitan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Moro Islamic Liberation Front, sa barangay Libutan, sa bayan ng Mamasapano, Maguindanao.

Naganap ang sagupaan ilang araw matapos lagdaan ang Framework Agreement sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at MILF.

Tila namayani pa rin umano ang kaguluhan sa isang barangay sa lalawigan ng Maguindanao nang magkabakbakan ang tropa ng MILF sa ilalim ng pamumuno ni Kumander Wahid Tondoc at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa nasabing barangay sa bayan ng Mamasapano, Maguindanao.

Ayon kay Mayor Benzar Ampatuan, dalawa ang naiulat na namatay sa labanan, isa sa panig ng MILF at isa sa BIFF.

Dahil dito, mahigit sa 20 pamilya ang lumikas na ngayon at nananatili sa mga kalapit na lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply