MILF ‘di na sa banta ng seguridad sa S. Cotobato

INALIS na ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa listahan ng mga grupong banta sa seguridad sa lalawigan ng South Cotabato.

Ito ang naging pahayag ni Major Gerald Monfort, Executive Officer ng 27th Infantry Batallion ng Philippine Army na nakabase sa bayan ng Tupi matapos lagdaan ang Peace Agreement sa pagitan ng MILF at gobyerno.

Gayunman, sinabi ni Monfort na tinututukan nila ang mga bayan ng Surallah, Lake Sebu at Tampakan dahil naman sa presensya ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Ipinagmalaki ni Monfort na dahil sa mahigpit na pagbabantay ng militar sa nasabing mga lugar, sa ngayon ay umaabot na sa 38% ang nabawas sa mga NPA at mga armas nito.

Tiniyak ng militar ang pagpapalakas pa ng kanilang puwersa sa mga naturang lugar at inaasahan ding tututukan ng LGU’s ang pagbibigay ng serbisyo upang maramdaman ito ng mga residente.

Bahagi ito ng counter activity ng pamahalaan laban sa presensya ng mga rebelde sa naturang lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply