MILF framework agreement kinontra ni Misuari

KINONTRA ng dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang framework agreement para sa pagbuo ng Bangsamoro.

Ayon kay Nur Misuari, hindi tama ang ginawa ni Pangulong Benigno Aquino III sa ginawang kasunduan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) na framework agreement para sa pagbuo ng Bangsamoro Region.

Sinabi ni Misuari na sana ay mag-isip-isip ang pamahalaan sa pinasok nitong kasunduan.

Ayon kay Misuari, pambabastos sa naunang kasunduan sa Mindanao ang ginagawa ngayon ng Aquino administration.

Kinumpirma rin ni Misuari na ngayon ay patuloy sa pagdami ng armas sa Mindanao.

Hindi rin naiwasan ni Misuari na isumbat ang tulong nila noon kay dating Pangulong Cory Aquino na muntik nang umatras sa halalan laban kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Tumanggi rin si Misuari na makipag-usap kay Pangulong Aquino dahil aniya ay wala siyang panahon para dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply