MILF nagpatawag ng assembly; armas handang isuko

NAGPATAWAG na ng assembly ang pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos ang matagumpay na 32nd exploratory talks sa pagitan ng government peace panel at MILF na nagresulta sa pagtatatag ng bagong political entity na Bangsamoro.

Tinipon ni MILF Vice Chair for Political Affairs Ghadzali Jaafar ang regional at provincial leaders ng organisasyon gayundin ang mga commander ng Bangsamoro Islamic Armed Forces.

Layon ng assembly na ipaalam sa mga leader at miyembro ng MILF kung ano ang napagkasunduan sa pagtatatag ng Bangsamoro na papalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Kasabay nito handa na rin ang MILF na isuko ang kanilang mga armas.alinsunod sa “framework agreement” ng government peace panel at MILF na nagresulta sa pagkakatatag ng Bangsamoro political entity kapalit ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Tiniyak naman ni Dean Marvic Leonen, Chief Government Negotiator, na gradual o unti-unti lamang ipatutupad ang pag-decommission sa mga armas.

Samantala, nakatakda namang lagdaan ang ‘framework agreement’ sa Lunes, Oktubre 15, sa Malakanyang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply