Militanteng kabataan sumugod sa UST kaugnay ng RH bill

SUMUGOD ang mga miyembro ng Abakbayan Youth sa harapan ng University of Santo Tomas sa Espana, Manila upang manawagan sa mga estudyante na manindigan sa Reproductive Health bill.

Sa pamamagitan ng kanilang mga banner at tarpaulins, hinikayat ng grupo ang mga estudyante ng UST na magkaroon ng sariling paninidigan sa RH bill at huwag hayaang magpadikta sa kanilang school administration.

Magugunitang naging mainit na isyu ang nailathalang editoryal sa school paper ng UST na ‘The Varsitarian’ na bumabatikos sa pamunuan ng Ateneo de Manila University at De La Salle University na sumusuporta sa RH Bill.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply