Militanteng mga nanay, lumusob sa tanggapan ng MWSS

LUMUSOB ang ilang maralitang kananayan sa tanggapan ng Metropolitan Waterworks and Sewage System (MWSS) sa Quezon City para iprotesta ang bagong dagdag singil sa tubig.

Binato rin nila ng putik ang mga logo ng Manila Water at Maynilad na mga water concessionaire ng MWSS.

“Hindi makatarungan ang ginagawang pagpasan ng taumbayan sa pagkalugi ng mga kompanya sa patubig dahil sa pagbabago ng palitan sa pagitan ng piso at ng Japanese Yen.” Ito ang reaksyon ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) kaugnay sa napipintong muling pagtaas sa tubig sa Kamaynilaan.

Sa darating na Lunes, Oktubre 8, magtataas ng singil sa mga consumer ng Manila Water, isang kompanyang pag-aari ng mga Ayala. Nagkakahalaga ang taas-singil ng 80 sentimo kada metro kubiko.

Dahilan umano ng pagtataas ay ang pagbaba ng halaga ng piso kumpara sa halaga ng Japanese Yen, na nagpapalaki sa halaga ng utang ng MWSS sa ibang na pinipresyuhan gamit ang nasabing banyagang salapi.

Ayon kay Diamond Kalaw, tagapagsalita ng Kadamay, hindi dapat ipasa sa mga maralita at iba pang consumer ang pagkalugi ng mga kompanya ng patubig.

Dagdag pa ni Kalaw, ‘Simula ng isinapribado ang MWSS noong 1997 sa tulak ng globalisasyon, sangkatutak na maanomalyang dagdag-singil sa tubig ang sinasalo ng mga consumer, kabilang na dito ang pagtaas ng singil sa tubig sa tuwing bumababa dahil sa Foreign Currency Differrential Adjustment.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply