Milk monster bill haharangin sa kamara

MAGPAPALALA lamang sa sitwasyon ng lumalaking bilang ng mga sanggol na namamatay kapag naipasa ang panukalang amyenda sa Milk Code of the Philippines.

Sinabi ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy na ang isinusulong na panukala ay taliwas sa layunin ng United Nations Millennium Development Goal na mabawasan ang bilang ng mga namamatay na sanggol.

Naniniwala ang kongresista na malaki ang naitutulong ng kasalukuyang Milk Code upang mapanatili kung hindi man maitaas ang bilang ng mga malulusog na sanggol.

Tinawag ni Herrera-Dy na “Milk Monster bill” ang ngayon ay isinusulong ng ilang kongresista na amienda sa Milk Code “which seeks to lift restrictions in the advertising and promotion of milk formula and other artificial feeding products for children below three years old.”

“There has been a slowdown in attempts to improve the nutritional status of children as noted in government statistics released between 2008 to 2011,” banggit pa ni Herrera-Dy.

Tinukoy din nito ang pinakahuling pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute na umaabot sa 2.6 milyong bata ang nasasawi dahil sa malnutrisyon taun-taon sa buong mundo.

”At least three million Filipino children aged 0 to five years old are underweight while four million are short for their age,” ayon sa kongresista.

Dahil ditto, nagbabala si Herrera-Dy na lumalala ang malnutrisyon sa mga bata kapag muling binago ang kasalukuyang batas ukol sa breastfeeding o pagpapadede ng mga ina.

Bagama’t unti-unti aniya ang pag-angat ng “nutritional status” ng mga bata sa nakalipas na tatlong taon ay nananatili pa rin aniyang kaagapay ang Pilipinas para sa MDG pledge hanggang sa 2015.

Sa Martes ay pangungunahan ni Herrera-Dy ang may 150 bata na lalahok sa Race for Survival marathon relay sa October 16 na naglalayong ipakalat ang impormasyon sa isyu ng ‘child survival’.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply